MANILA, Philippines - Hanggang ngayong araw ng Linggo ay mararanasan ang rotating brownout sa Metro Manila, dahil sa bagyong Glenda.
Sinabi ng Manila Electric Company (Meralco) na sa halip na lima hanggang anim na oras ay mas maikli ang oras ng
rotating brownout na kanilang ipatutupad ngayong Linggo dahil mas kakaunti naman ang mga taong gumagamit ng kuryente kapag weekend.
Apektado ng rotating brownout ang ilang bahagi ng Maynila, Quezon City, Bulacan, Cavite, Las Piñas, Batangas at Laguna.
Ang kakulangan pa rin sa suplay ng kuryente ang dahilan ng rotating brownout dahil may mga planta pa na hindi
nakapagsusuplay ng kuryente tulad ng San Lorenzo at Santa Rita sa Batangas.
Bumagsak rin ang suplay sa Sual Power Plant sa Pangasinan.