Binata, tiklo sa 50 gramo ng shabu

MANILA, Philippines - Tiklo ang isang binata sa isinagawang buy-bust ope­ration ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at nakumpiskahan ng may 50 gramo ng hinihinalang shabu sa Quezon, kahapon.

Kinilala ni PDEA Director General, Undersecretary Arturo Cacdac, ang suspek na si Junar San Juan, 27, ng Lot 20, Block 97, San Isidro, Rodriguez, Rizal.

Ayon kay Cacdac, si San Juan ay nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng PDEA Regional Office National Capital Region sa pamumuno ni Agent Enrico H. Lausin sa may Commonwealth Market.

Alas-12:00 ng tanghali nang isagawa ang buy-bust operation kung saan nakumpiska ang nasabing droga at P1,000 marked money. Kinumpiska rin ang cell phone ng suspek na ginagamit nito sa kanyang iligal na operasyon.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Show comments