^

Police Metro

Inakalang mineral water... 2 bebot nakainom ng silver cleaner

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi sa maling akala ang dalawang babae na entertainer matapos na makainom ng silver cleaner  solution na nakalagay sa bote ng mineral water kahapon ng umaga sa Pasay City.

Kapwa idineklarang dead-on-arrival sa San Juan De Dios Hospital ang mga biktimang sina Jocelyn Garcia, 22,  tubong Pulilan, Bulacan at Rholiza Legan, 24,  tubong Poblacion, San Idelfonso, Bulacan,  kapwa entertainer sa Beruit Café at  naninirahan sa #216 St., Mary’s Maricaban St., Pasay City.

Sa salaysay ng isang Charry Ong, 29-anyos, kasama sa trabaho ng mga biktima na dakong alas-8:30 ng umaga loob ng kanilang boarding house nang gisingin siya ng isa pang kasama na si Mommy Maricel na nakarinig ng pagsigaw at paghingi ng tulong ng dalawang biktima.

Agad nilang pinuntahan ang dalawang biktima at  naabutan nilang bumubula ang mga bibig at wala nang malay.

Mabilis nilang isinugod sa nasabing pagamutan  ang mga biktima, subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Sa pahayag ni  Ong  sa mga pulis, posibleng nagising ang dalawang biktima at nauhaw ang mga ito at nang makita ang isang 500 ml na mineral water sa ibabaw ng lamesa, na inakalang tubig kaya’t hinati nito ito at sabay na tinungga.

Hindi sukat akalain ng dalawang biktima  na hindi pala tubig ang laman kundi silver cleaner solution.

Sinabi pa ni Ong sa kanyang pagkakaalam ang nasabing silver cleaner ay pag-aari ni  Bernadette Sanchez, nasa hustong gulang na isa nilang “mamasang” at kasama sa inuupahang bahay.

Inimbitahan ng pulisya ang lahat ng babae na kasama ng biktima sa inuupahang bahay para isailalim sa im­bestigasyon.

BERNADETTE SANCHEZ

BERUIT CAF

BIKTIMA

BULACAN

CHARRY ONG

JOCELYN GARCIA

MARICABAN ST.

MOMMY MARICEL

PASAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with