4 lady cops sa MOA robbery, pararangalan

MANILA, Philippines - Nakatakdang parangalan ng liderato ng Philippine National Police (PNP) ang apat na babaeng pulis na naunang nagresponde at nakipagbarilan sa mga holdaper na nanloob sa isang jewelry store sa SM Mall of Asia noong linggo.

Iprinisinta sa mediamen ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Director Carmelo Valmoria ang mga pulis na sina PO1s Juliet Macabadbad, Delia Langpawen, Marcelina Bantiyag at Maricel Rueco na pawang miyembro ng Regional Public Safety Battalion (RPSB) ng NCRPO.

Ang parangal sa mga ito ay igagawad ni PNP Chief Director General Alan Purisima sa mga susunod na araw.

Bukod sa 4 ay tatanggap din ng parangal ang Special Reaction Unit ng Pasay City Police sa pamumuno ni SPO3 Renato Biano at iba pa na nagresponde rin sa insidente matapos na tumawag ng backup si Macabadbad.

Show comments