MANILA, Philippines - Gusto ni Vice President at housing czar Jejomar Binay na mailipat sa ordinaryong selda ng isang provincial jail ang naarestong pugante at nagmamay-ari ng Globe Asiatique (GA) na si Delfin Lee at hindi umano dapat na mabigyan ng “special treatmentâ€.
Sinabi ni Binay, tumatayo ring chairman ng Housing and Urban Development CoordinaÂting Council at chairman ng Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund Board of Trustees, kailangang pantay-pantay ang pagtrato sa akusado, mayaman man o mahirap. Dapat aniya ay walang espesyal na pagtrato sa mayaman.
Ayon kay Binay, ang pagkaka-aresto kay Lee ay unang hakbang pa lamang para makamit ang hustisya ng mga Pag-IBIG members at sa libu-libong biktima ng “double saleâ€. Ngayon, aniya kailangan iaplay ang rule of law at hindi dapat bigyan ng anumang special treatment si Lee at dapat siyang ilagay sa regular na selda tulad ng ibang akusado.
Magugunita na matapos na maaresto ng PNP Task Force Tugis sa isang hotel sa Malate, Manila si Lee noong Huwebes ng alas-7:00 ng gabi, agad siyang dinala sa Camp Crame para sa medical checkup. Kinaumagahan, iprinisinta siya sa Pampanga Regional Trial Court branch na nag-isyu ng warrant of arrest laban sa kanya.