MANILA, Philippines - Namayani ang tensÂyon sa unang araw ng pagpapatupad ng extenÂded truck ban sa lungsod ng Maynila kahapon.
Nagkaroon ng komprontasyon sa pagitan ng mga truck drivers at mga miyembro ng Manila Police District dahil sa nais ng mga pulis na hilahin ang ilang mga truck na nakaparada sa harap ng Moriones Gate ng Manila North Harbor.
Nabatid na ipinarada ng mga driver ang kanilang mga truck sa harap ng Manila North Harbor bilang protesta sa pinaiiral na Manila City Ordinance 8336, na nagbabawal sa pagpasok ng mga trucks na may bigat na 4,500 kilograms sa lungsod mula 5 a.m. hanggang 9 p.m., maliban tuwing araw ng Linggo at mga holidays.
Subalit, nagbigay ang city government sa mga truckers ng window period ng limang oras mula 10 a.m. hanggang 3 p.m. na hanggang anim na buwan lamang.
Ang sinuman na mahuhuling lalabag ay pagmumultahin ng P5,000 habang ang kanilang mga truck ay hihilahin.
Ayon naman sa truck groups, na hindi anya sapat ang window period para ma-accommodate ang libong trucks na pumapasok at lumalabas sa pantalan.