MANILA, Philippines - Hiniling kahapon ni Atty. Dennis Manalo, legal counsel ni Vhong Navarro kay Interior and Local Gov’t Secretary Mar Roxas na kanselahin ang lisensiya ng mga baril ni Cedric Lee at mga kasamahan nito na sangkot sa pambubugbog upang hindi na ito magamit pa sa karahasan.
“We also expressed our concern regarding the use of a gun during the assault of Vhong Navarro, there was an expression from the PNP they will review and take a look at what at this matter and see what the proper procedure is in so far as this issue is concernâ€, giit pa nito.
Nabatid na dalawang baril ni Lee ang lisensyado, ayon na rin sa isang opisyal na nakatalaga sa PNP-Firearms and Explosives Division (PNP-FED) bagaman tumangging tukuyin kung anu-ano ang naturang mga armas.
Ang kahilingan ito ni Manalo ay nang nakipagÂpulong siya kay Roxas kasama ang manager ni Vhong na si Direk Chito Roño sa PNP Headquarters sa Camp Crame dahil sa patuloy na nakakatanggap ng death threat ang TV host/actor simula nang magpa-interview ito sa media nang bugbugin ng grupo ni Lee sa Forbeswoods Heights condominium sa The Fort, Taguig City noong Enero 22.
Hiniling din nina Manalo at Roño kay Roxas ang mahigpit na seguridad at police visiÂbility sa bahay at ospital matapos na maisampa ng NBI ang kaso laban kina Lee, Deniece Cornejo at iba pa sa Department Of Justice (DOJ).
Sinabi nito na may naganap na kahina-hinalang insidente sa bahay ni Navarro, dahil isang hindi kilalang tao ang umaaligid at nagsabi pang nais nitong pabuksan ang gate ng bahay sa katulong at mga ipinadadalang text messages kay Navarro na pinagbabantaan ang buhay nito.
Nilinaw ni Manalo na hindi security escorts ang hiniling nila kundi mariing pagpapatupad ng police visibility sa bahay nito sa Quezon City at hiwalay pa ito sa ibibigay na seguridad kay Navarro sa ospital.
Nabatid pa sa kasalukuyan ay hindi pa makakalabas ng hospital ang aktor dahilan sa grabeng tinamo nitong mga bugbog sa katawan at may mga serye pa ng test na kailangang gawin ang mga doktor.