Western Union hinoldap, guardia patay

MANILA, Philippines - Patay ang isang security guard nang barilin ito ng dalawang holdaper na motorcycle-riding-in-tandem  na  nanloob sa isang sangay ng Western Union money transfer sa Parañaque City, kahapon ng umaga.

Kinilala ng Parañaque City Police ang nasawing si Felipe Montilla, nasa hustong gulang, nagtamo ito ng tatlong tama ng bala sa katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Nagsasagawa pa ng follow-up ang pulisya hinggil sa insidente at kanila pang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga suspek. Sa ulat ng Parañaque City Police, nabatid na ang holdapan ay naganap dakong alas-8:00 ng umaga sa isang sangay ng Western Union money transfer, na matatagpuan sa Lopez St., Barangay San Isidro sa lungsod.

Tinutukan ng baril ang  mga nasa loob ng money transfer at nagdeklara ng holdap. Nanlaban umano ang guardia kaya ito pinagbabaril ng mga suspek na siyang dahilan ng kanyang kamatayan.

Tinangay ng mga suspek ang vault ng naturang money transfer, subalit nabokya ang mga ito dahil wala pa itong laman.

Show comments