MANILA, Philippines - Walang awang hinalay at pinatay ng hindi pa kilalang suspek na isang drug addict ang isang 5-anyos na batang babae na ang bangkay ay inabandona sa isang madamong lugar sa Purok Tambulian, Brgy. Malim, Tabina, Zamboanga del Sur.
Batay sa ulat, bandang alas- 5:30 ng umaga kamakalawa nang madisÂkubre ang bangkay ng biktimang si Wishe Bodiongan sa madamong bahagi ng nasabing lugar.
Agad na nadakip ang suspek na nakilalang si Roger Cuadero, 29-anyos, residente rin sa nasabing lugar.
May mga pukpok ng matigas na bagay sa ulo, duguan ang maselang bahagi ng katawan at tadtad ng mga sugat at pasa sa buong katawan na indikasyong minolestiya ang biktima ng suspek.
Base sa imbestigasyon, ang biktima ay iniulat na nawawala noong Sabado na huling nakitang nagÂlalaro malapit sa bahay ng suspek.
Natukoy naman ang suspek matapos ng isang testigo ang makakita rito na inaakay ang bata patungo sa magubat na bahagi ng nasabing barangay.
Isang residente naman ang napadaan sa lugar kinabukasan at nadiskubre ang krimen.