MANILA, Philippines - Wala umanong kinalaman si Moro National LiÂberations Front (MNLF) Chairman Nur Misuari sa ginawang pag-atake ng kaniyang limang Commander na nang-hostage ng daang residente sa ilang barangay sa lungsod ng Zamboanga.
Ito ang nabatid kay Crisis Management Council (CMC) Chairman at Zamboanga City Mayor Isabelle “Beng†Climaco-Salazar matapos na buksan nito ang linya ng komunikasyon kay Misuari upang mapalaya na ang mga nalalabi pang nasa 180 hostages na sibilyan.
Ayon kay Climaco-SaÂlazar, itinanggi ni Misuari na may kinalaman siya sa isinagawang pag-atake sa mga komunidad ng mga sibilyan ng limang MNLF Commander sa pamumuno ni Habier Malik.
Ayon pa kay Misuari, na wala umano siyang kontrol sa naging marahas na hakbang ng MNLF breakaway group.
Duda naman ang mga opisyal ng militar sa pahaÂyag na ito ni Misuari na taktika lamang umano para makalusot sa pagtugis ng batas.
Nanawagan naman si Climaco-Salazar sa grupo ni Malik na palayain na ang mga nalalabi pang hostages.
Magugunita na nitong Lunes ay sinalakay ng tiÂÂnatayang nasa 200-300 MNLF breakaway group ang ilang barangay sa tabing dagat sa lungsod ng Zamboanga at hinostage ang may 300 residente.