Binata inutas sa paninita

MANILA, Philippines - Isang 18-anyos na bi­­­nata ang nasawi nang siya ay saksakin ng isang 20-anyos na lalaki na si­ni­ta niya na palakad-la­kad kahapon ng madaling-araw sa Sta. Mesa, May­nila.

Ang nasawi ay kinila­lang si Arnold Abella, re­sidente ng no. 271 De Dios Extension, Sta. Mesa, Maynila.

Natunton naman ni PO3 Tajonera sa De Ocam­po  Memorial Medical Center sa Nagtahan, Sta. Mesa, Maynila ang sus­pek na nakilalang si  Elpidio Silonga, binata, helper, tubong Tanay, Rizal at stay-in sa GSIS Metro Homes Bldg., 25 Unit D-5 Ano­nas St., Sta. Mesa, Maynila, nagpapagamot dahil sa mga tinamong sugat.

Batay sa ulat, dakong alas-4:30 ng madaling-araw ay nakitang pala­kad-lakad ng bikti­ma ang suspek sa tapat ng isang bahay sa no. 3238 Pureza St., Sta. Mesa
na sinita ng biktima, su­balit sumagot umano ng pabalang ang suspek  na nauwi sa pagtatalo at suntukan hanggang sa naglabas ng patalim ang biktima at inundayan ang suspek na nakailag naman.

Nagpambuno ang dala­wa hanggang sa maagaw ng suspek ang patalim at  isinaksak sa biktima hanggang sa bumulagta ito.

Hindi naman umano umawat o sumaklolo upang dalhin sa ospital ang biktima ng mga nakatambay na pedicab drivers sa lugar.

Mabilis na tumakas ang suspek at  dumiretso ito sa ospital dahil sa natamong mga sugat sa pag-aagawan ng patalim.

Show comments