Tinangkang iligtas ng mga kasamahan… 2 lider ng ‘Ozamis’ napatay
MANILA, Philippines -Napatay ng mga otoridad ang daÂlawang lider ng Ozamis robbery group nang mabaril ito matapos na mang-agaw ng baril ng tangkaing iligtas ng mga kasamahan kamakalawa ng gabi sa San Pedro, LaÂguÂna.
Kinilala ni San Pedro Police Officer-in-Charge Supt. Chito Bersaluna ang mga napatay na suspek na sina Ricky “Kambal†Cadavero, 36; at Wilfredo “Kulot†Panogalinga Jr..
Ayon kay Bersaluna, sa pagitan ng alas-7:30 ng gabi ay sakay ang mga suspek ng dalawang motorsiklo at sinusundan ang puting van na sinaÂsakyan nina Cadavero at Panogalinga Jr. at anim na pulis na escorts.
Nabatid na sina CadaÂvero at Panogalinga Jr. ay kagagaling lang sa inquest proceeding sa Dasmariñas, Cavite nang mamataan ng mga police escorts ang dalawang motorsiklo na sumusunod sa van.
Pagdating sa Brgy. San Antonio, San Pedro, Laguna ay isa pang moÂtorÂsiklo ang sumulpot at inumpisahan na pagbabaÂrilin ang van.
Habang umano nagaÂganap ang pamamaril ng mga nakamotorsiklong suspek ay inagaw umano nina Cadavero at PanoÂgaÂlinga Jr. ang baril ng kaÂnilang mga police esÂcorts kung kaya’t napilitan na sila ay pagbabarilin ng ibang pulis na kasama sa van.
“Pagkabakbak iyun na rin ang cue nitong dalawa na mang-agaw ng baril…Malamang kasama rin ng mga Ozamis group kasi dati ganoon ang ginagawa nila, ni-rescue nila si Ricky Cadavero,†wika ni Bersaluna.
Sina Cadavero at PaÂnoÂgaÂlinga Jr. ay idineklarang dead-on-arrival sa ospital.Wala namang nasugatan sa mga police escorts.
Bago ito ay iprinisinta pa nitong Lunes ng tanghali kina Interior and Local Government Secretary Mar Roxas at PNP Chief Director General Alan PuÂrisima sa Camp Crame ang dalawang lider.
Ang grupo ni CadaÂvero ang itinuturong binayaran umano ng P50M ng tatlong drug lord na sina Li Lan Yan alyas JackÂson Dy, misis nitong si Wang Li Na at Li Tian Hua na itinakas ng grupo matapos harangin ang convoy ng provincial jail sa Trese Martires City, CaÂvite noong Pebrero 20 ng taong ito. Nasakote nitong Hulyo 13 ang mag-asaÂwang Dy sa raid sa San Juan City habang pinagÂhahanap pa si Hua.
Si Cadavero ay muling nasakote ng pulisya sa DasÂmariñas City, Cavite nitong nakalipas na Hulyo 12 , pitong buwan matapos itong pumuga sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
Ayon kay Bersaluna na ang nangyaring barilan ay maaaring tinangka ng ibang miyembro ng gang na itakas ang kanilang dalawang lider na kamaÂkailan lang ay nadakip matapos na pumuga noong Disyembre 2012 sa New Bilibid Prison.
Ang Ozamis robbery group ay sinasabing nasa likod ng mga panghoÂholÂdap sa mga mall at bangko sa Metro Manila at kalapit na lalawigan tulad sa Alabang Town Center, Robinsons Metro East, Robinsons Galleria at Robinsons Novaliches at Robinsons Dasmariñas, at Landbank branch in Quezon City.
Ayon naman kay SecÂÂreÂtary Mar Roxas na si Panogalinga Jr. ay paÂnguÂnahing suspek sa pagbaril at pagÂpatay sa Amerikanong si Robert Armstrong sa naganap na holdap sa 7/11 conveÂnience store sa Malate, Maynila noong Setyembre 2012.
- Latest