Kawani ng MMDA nagbigti dahil sa hirap ng trabaho

MANILA, Philippines - “Mahirap magtrabaho sa government, Gutom”.

Ito ang umano’y ini­wang suicide note ng bik­timang si Alfredo Jader, 50-anyos, may-asawa, heavy equipment operator II, sa ilalim ng Flood Control and Sewerage Management Office (FCSMO) ng MMDA Pumping Station sa MMDA pumping compound, Ar­roceros, Ermita matapos itong natagpuang nakabigti ka­hapon ng umaga sa loob ng pinapasukan.

Batay sa ulat, dakong alas-5:26 ng umaga nang madiskubreng nakabitin ang wala nang buhay na biktima sa loob ng nasabing pumping sta­tion.

Sa salaysay ng isang Eddie Ambag, pump ope­rator II, maagang dumating ang biktima upang relyebuhan siya at nagtatanong pa umano kung may alam na lubid, na hindi naman umano niya pinansin.

Show comments