^

Police Metro

Paslit nag- tampisaw sa baha na hulog sa creek

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines -Bangkay na nang ma­rekober matapos ang 16 oras na paghahanap sa isang 6-anyos na batang lalaki na nahulog sa creek habang nagtatampisaw sa baha dulot ng pag-ulan sa Quezon City.

Ang biktima ay kinilalang si Ariseo “Jumong” Nerpio, na natagpuan ng mga barangay tanod, ganap na alas-7:45 ng umaga sa may Lapu-Lapu at San Pablo Sts., Dona Rosario, Brgy. Novaliches Proper.

Batay sa ulat, Martes ng alas-3:30 ng hapon nang mapaulat ang pag­kawala ni Jumong mata­pos na mahulog sa may San Paulo creek sa kani­lang barangay.

Nabatid na sa kasagsagan ng buhos ng ulan ay naligo ang bata kasama ang ilang kalaro malapit sa kanyang bahay sa may P. Tupaz St. at habang nagtatampisaw sa ulan ay may du­maan umanong grupo ng mga kabataang nagbibisekleta at sumabay ang biktima hanggang sa magawi sa creek at na­hu­log.

Umapela ang mga residente na lagyan ng harang ang nasabing creek dahil maraming beses nang may nahuhulog lalo na kapag malakas ang buhos ng ulan.

ARISEO

DONA ROSARIO

JUMONG

NOVALICHES PROPER

QUEZON CITY

SAN PABLO STS

SAN PAULO

SHY

TUPAZ ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with