Hindi nagbigay ng pera… Nanay gulpi sarado sa anak
MANILA, Philippines - Walang awang ginulpi ng isang anak ang sarili nitong ina matapos siyang hindi bigyan ng pera na naÂganap kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Ang biktima na nilaÂlaÂpatan ng lunas sa Tala Hospital ay nakilalang si Evangeline Arias, 44-anyos, residente ng Phase 1, Bagong Silang ng lungsod.
Ang biktima ay nagtaÂmo ng maraming pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan at ulo na patuloy na inoobserbahan ng mga doktor.
Agad din naaresto at ngayon ay nakakulong ang suspek na si You Arias, nasa hustong gulang, naÂkaÂtira ng nasabing lugar.
Batay sa ulat, dakong alas-6:00 ng gabi sa loob ng bahay ng mag-ina ay kauuwi lang ng suspek sa bahay matapos ang magÂhapong pagtambay sa mga barkada.
Humingi ito ng pera sa ina, subalit tumanggi ito na bigyan ang anak dahil sa ipapambisyo lang ang pera.
Nagalit ang suspek na humantong sa mainitan nilang pagtatalo hanggang sa gulpihin ng una at paluin pa sa ulo ng matigas na bagay ang ina.
Kahit na may tama ay humingi ng tulong ang bikÂtima sa mga kapitbahay na rumesponde at inaresto ang suspek.
- Latest