PNP, AFP umalerto na sa kampanya
MANILA, Philippines - Sa pagsisimula ngaÂyong araw ng campaign period kaugnay ng gaganaping midterm elections sa darating na Mayo ng taong ito ay umalerto na ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Inaasahan na kasi ang mainit na tunggalian ng mga kandidato at upang mapigilan ang pagdanak ng dugo sa mga bayolenteng insidente ay nakalatag na ang seguridad sa
mga lugar na naÂideklarang ‘15 high risk provinces’ sa pagdaraos ng halalan.
Kabilang sa ‘15 high risk provinces’ ay ang Abra, Pangasinan, Ilocos Sur, La Union, Cagayan, Pampanga, Nueva Ecija, Batangas, Cavite, Masbate, Samar, Misamis Occidental, Maguindanao, Lanao del Sur at Basilan.
Sinabi naman ni AFP Public Affairs Office (AFP-PAO) Chief Col. Arnulfo Marcelo Burgos Jr., inalerto na rin ni AFP Chief of Staff Gen. Emmanuel Bautista ang mga commanders ng militar upang paigtingin pa ang security patrol operations na kabilang sa prayoridad na tutukan ng AFP troops ay ang mga balwarteng lugar ng New People’s Army (NPA) rebels upang masupil ang pangingikil ng mga ito ng Permit to Campaign (PTC) at Permit to Win (PTW) partikular na sa mga kandidato.
- Latest