MANILA, Philippines - Halos P1 bilyon ang inilaang pondo ng ComeÂlec para sa security plan ng midterm elections.
Ayon kay Comelec Commissioner Elias Yusoph, ang P770 milyon ay mapupunta sa preparasyon at implimentasyon ng security plan ng PNP at AFP upang maging ligtas at maiwasan ang anumang karahasan sa panahon ng halalan. Kasama sa pinaglalaanan ng budget ang mga checkpoints sa mga hotspots.