Ginang todas sa kuryente

MANILA, Philippines - Halos nasunog ang buong katawan at namatay noon din ang isang ginang  matapos nitong aksidenteng mahawakan ang nakalaylay na kable ng kuryente kamakalawa sa Brgy. San Jose, Prosperidad, Agusan del Sur.

Ang nasawi ay kinila­lang si Anabelle Bucton, 48, residente ng nasabing lugar.

Batay sa ulat ni CARAGA Police Spokesman Supt. Martin Gamba, bandang alas-11:00 ng umaga ay aksidente umanong naha­wakan ng biktima ang nakalaylay na kable ng Agusan del Sur Electric Cooperative na napinsala ng bagyong Pablo.

Sa pahayag ng ilang na­kasaksi, hindi umano na­pansin ng ginang ang ma­higit isang linggo ng na­­kalaylay na kable ng kur­­­yente.

Show comments