MANILA, Philippines - Dahil sa umano’y pagkakautang ng isang lungsod nang mahigit dalawang bilyong piso ay hindi matatanggap ng mga kawani ang ilang benepisyo.
Ayon sa hinaing ng maraming kawani na hindi na nila natatanggap ang ilan nilang benepisyo tulad ng clothing allowance dahil lubog na umano sa utang ang kanilang lungsod dahil utang na tinatayang aabot sa P2.9 bilyon.
Nabatid na nagamit umano ng pulitiko ang nasabing pera sa mga kasong kinakaharap nito sa Office of the Ombudsman na aabot sa 99 kaso at ang apat dito ay isinasailalim sa preliminary investigation at iniimbestigahan din ng Commission On Audit (COA).
Napag-alaman na ang mga kasong anti-graft and corruption practices ang kinakaharap ng pulitiko na isinampa ng dating head ng Bids and Award Committee Secretariat at self-confessed “bagman” dahil umano sa maanomalyang bidding at transaksiyon sa mga proyekto ng lungsod na nagkakahalaga ng P1.2 bilyon simula noong taong 2007.
Kinasuhan din nito ang 15 opisyales ng lungsod matapos itong magsumite ng supplemental affidavit noong Miyerkules sa Office of the Ombudsman.