Batang Manda sasabak sa Copa De Manila

MANILA, Philippines — Makikilatis muli ang husay ng reigning Pre­sidential Gold Cup champion Batang Manda pagsalang nito sa 2025 PHILRACOM Gran Copa De Manila na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas sa darating na Linggo.

Kabilang sa mala­king stakes race ng taon ang nasabing event kaya asahang mga de-kalidad na kabayo ang kasali at tiyak na mapapalaban si Batang Manda na pag-aari ni Benhur Abalos Jr.

Naghayag din ng pagsali sa event na may distansyang 1,600 meter race ay ang Added Haha, Basheirrou, Batang Kanlaon, Don Julio, Easy Does It, Istulen Ola, Jungkook, King James, La Trouppei at Trump Peter.

Markado ang 2024 Philippine Sportswriters Association - Horse of the Year, Batang Manda na sasakyan ito ni da­ting PSA - Jockey of the Year awardee Patty Ramos Dilema.

Tiyak na maghahanda lahat ng kabayong nagsaad ng paglahok dahil sa tumataginting na P1M gua­ranteed prize na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta.

Kukubrahin ng mananalong kabayo ang P600,000.

Show comments