^

PM Sports

Pacquiao ayaw paawat sa training

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Walang balak tumigil sa ensayo si Manny Pacquiao para paghandaan ang kanyang nakatakdang pagsagupa kay reigning World Boxing Council champion Mario Barrios sa Las Vegas, Nevada sa Hulyo 19.

Hindi mapigilan si Pacquiao sa kanyang training camp sa Wild Card Gym kasama sina trainer Buboy Fernandez at American coach Freddie Roach para masiguro na nasa magandang kundisyon ito.

Sumasailalim si Pacquiao sa ilang magagaan na wokout habang may running session din ito sa umaga kasama ang kanyang buong team.

Inaasahang mas titindi pa ang pagsasanay ni Pacquiao sa mga susunod na linggo upang maibalik ang bagsik ng kanyang kamao.

Ilang taon ding natigil si Pacquiao sa professional boxing kaya’t desidido itong muling makuha ang 100 porsiyentong bangis nito sa ibabaw ng ring.

Matatandaang noong 2021 pa ang huling professional fight nito kung saan natalo ito kay Cuban Yordenis Ugas via unanimous decision para bitawan ang WBA belt nito.

Sumalang naman sa ilang exhibition match si Pacquiao.

Subalit iba ang exhibition kumpara sa totoong boxing fight.

Hindi biro ang papasukin ni Pacquiao dahil ilang taon itong napahinga at mas bata ng di hamak ang makakalaban nito sa ngalan ng 30-anyos na si Barrios.

Pero walang nakikitang problema si Pacquiao dahil gigil na gigil itong muling bumalik sa ring at aminado itong namiss nito ang ganitong uri ng laban.

“Kailangan nating magprepare para sa laban,” ani Pacquiao.

MANNY PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with