Pacquiao pormal nang Hall of Famer

Manny Pacquiao

MANILA, Philippines — Pormal nang iniluklok si eight-division world champion Manny Pacquiao sa International Boxing Hall of Fame na ginanap kahapon sa Turning Stone Casino sa Verona, New York.

Emosyonal si Pacquiao sa naging speech nito dahil nagbalik-tanaw ito sa kanyang pinagdaanan sapul noong nagsisimula pa lamang ito.

“And now, when I look back, eight-division world champion, world titles in four different decades, o­ldest welterweight world champion in history, those are not just opinions. They are facts,” ani Pacquiao.

Ikinuwento ni Pacquiao kung paano nakatulong ang boksing upang mapaangat nito ang kanilang pamilya sa kahirapan.

Nagretiro si Pacquiao noong 2021 matapos itong matalo kay Yordenis Ugas ng Cuba sa kanilang welterweight fight.  Hawak nito ang 62-8-2 rekord tampok ang 39 knockouts.

Matapos magretiro, sumentro ang atensiyon ni Pacquiao sa pulitika kung saan tumakbo ito sa presidential election noong 2022 ngunit nabigo ito.

Muling tumakbo si Pacquiao bilang senador sa nakalipas na midterm election ngunit muli itong minalas nang hindi ito makapasok sa Top 12.

Kaya naman nagpasya si Pacquiao na muling bumalik sa ring kung saan harapin nito si reig­ning WBC welterweight champion Mario Barrios sa Hulyo 19 sa Las vegas, Nevada.

Show comments