^

PM Sports

NLEX itinawid ni Bolick sa ika-6 dikit

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Napigilan ng nagliliyab na NLEX ang comeback ng Converge, 88-83, upang masikwat ang ikaanim na sunod na tagumpay sa 2025 PBA Philippine Cup kahapon sa PhilSports Arena sa Pasig.

Muntik malustay ng Road Warriors ang 16-point lead sa fourth quarter bago akayin ni Robert Bolick sa crunchtime tungo sa 6-1 kartada upang makasosyo sa tuktok ng 12-team stan­dings ang Magnolia.

Kumamada ng muntikang triple-double na 19 puntos, 7 rebounds at 10 assists sahog pa ang 1 steal at 1 tapal tampok ang hu­ling 5 puntos ng Road Warriors upang maprotektahan ang winning streak nito na siyang pinakamainit sa All-Filipino tournament ngayon.

Nag-ambag ng 18 puntos si Xyrus Torres para sa mga manok ni coach Jong Uichico na nakatabla ang dating walang talong Magnolia sa No. 1 bago matalo sa Rain or Shine, 119-105.

Mainit ang naging ratsada ng NLEX sa 31-23 at kontrolado ang buong laro hanggang sa makapagpundar ng komportableng 76-60 abante papasok sa fourth quarter.

Dito na bumalikwas ang FiberXers sakay ng 15-2 birada upang makalapit sa 75-78 matapos ang lay-up ni Justin Arana.

Dikdikan ang 2 koponan subalit napanatili ng Road Warriors ang 83-78 na bentahe sa huling 2 minuto bago magpaka­wala ng 5 sunod na puntos si Bolick upang mailayo sa 88-80 ang laban na naging sapat sa kanilang tagumpay.

Laglag sa 5-4 kartada ang Converge para sa ika-7 puwesto.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with