^

PM Sports

NLEX magpapatibay sa ‘twice-to-beat’

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Palalakasin ng NLEX, Barangay Ginebra at Converge ang laban nila sa Top 4 sahog ang ‘twice-to-beat’ ad­vantage, habang nais ng Blackwater na buhayin ang tsansa nito sa playoffs ng 2025 PBA Philippine Cup sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Unang magpapambuno ang Road Warriors at Fiber­Xers ngayong alas-5 ng hapon kasunod ang duwelo ng Gin Kings at Bossing sa alas-7:30 ng gabi para sa krusyal na double-header.

Solo sa segunda puwes­to ang NLEX hawak ang 5-1 kartada subalit nasa likod lang ang Ginebra at Converge na may 4-2 at 5-3 rekord, ayon sa pagkakasunod.

Tanging ang Top 4 teams lang ang makakakuha ng ‘twice-to-beat’ incentives sa playoffs na siyang layon ng mga bataan ni coach Jong Uichico.

Kagagaling lang ng NLEX sa 117-87 panalo kon­tra sa kulelat na Terrafirma noong nakaraang linggo para maging pinakamainit na koponan sa liga sakay ng limang sunod na panalo.

Taob ang NLEX sa unang salang nito kontra sa San Miguel bago isa-isa­hin ang Rain or Shine, 109-95, TNT Tropang 5G 91-74, Blackwater, 80-72, at Ginebra.

Tangka nilang maisama ang Converge sa listahan subalit hindi papadaig ang FiberXers na armado rin ng 111-92 panalo kontra sa NorthPort.

Ang Gin Kings naman ni coach Tim Cone, sa kabilang banda ay may dalawang sunod na panalo kontra sa Converge, 85-66, at Phoenix, 119-112, upang maging lalong paborito kontra sa nanganganib na Bossing.

May 1-5 kartada ang mga manok ni coach Jeff Ca­riaso sa gitna ng dalawang sunod na pagkatalo matapos yumukod kontra sa reigning champion Meralco, 103-85, kamakalawa.

NLEX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with