^

PM Sports

Pacquiao gagawa ng history

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Desidido si eight-divi­sion world champion Manny Pacquiao na gumawa ng kasaysayan matapos pormal na ihayag ang pagbabalik nito sa aksiyon sa mundo ng professional bo­xing.

Matapos ang ilang linggong pananahimik, inilabas na ni Pacquiao ang official poster ng laban nito kay reigning World Boxing Council (WBC) welterweight champion Marios Barrios sa Hulyo 19 sa Las Vegas, Nevada.

“I’m back. On July 19, I return to the ring to face WBC Welterweight Champion Mario Barrios at the MGM Grand in Las Vegas. Let’s make history,” ani Pacquiao sa kaniyang post.

Nakuha ni Pacquiao ang title fight matapos itong ilagay ng pamunuan ng WBC sa No. 5 sa welterweight rankings.

Umani ito ng kaliwa’t ka­nang batikos mula sa mga boxing fans at analysts dahil apat na taon ding nawala sa senaryo si Pac­quiao at wala itong professional fights sa naturang re­tirement period.

Ngunit dinipensahan ito ng WBC kung saan may patakaran ang asosasyon na pinapayagan ang sinumang mga dating WBC champion na humiling ng isang title fight sa oras na bu­malik ito sa ring.

Nilinaw din ng WBC na sumailalim si Pacquiao sa proseso kabilang na ang medical procedures na naipasa nito para mapahintulutan sa naturang WBC title fight.

 

MANNY PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with