Thunder nakauna sa Timberwolves

OKLAHOMA CITY — Iniskor ni Shai Gilgeous-Alexander ang 20 sa kanyang 31 points sa second half para gabayan ang top-seeded Thunder sa 114-88 paglampaso sa Minnesota Timberwolves sa Game 1 ng Western Conference finals.
Nagsalpak si Gilgeous-Alexander ng 8-of-14 field goals sa second half matapos ang 2-of-13 shooting sa first half para sa 1-0 lead ng Oklahoma sa kanilang best-of-seven series ng Minnesota.
“I didn’t particularly change my mindset, honestly,” sabi ni Gilgeous-Alexander sa pagbandera niya sa Thunder “I just tried to continue to be aggressive, trust my work.”
Umiskor si power forward Julius Randle ng 28 points para sa sixth-seeded Timberwolves, ngunit may walong marka lamang sa second half.
Nalimitahan si Minnesota star Anthony Edwards, naglista ng averae na 26.5 points per game sa playoffs, sa 18 points mula sa 5-of-13 shooting.
“I definitely got to shoot more. I took 13 shots, but I’ll say probably just get off the ball a little more,” ani Edwards. “Play without the ball. I think that would be the answer, because playing on the ball, they’re just going to double and sit in the gaps all day. So I’ve got to go watch some film and take it apart and figure it out.”
Nakatakda ang Game 2 bukas sa Oklahoma City.
Dalawang araw lamang ang nakakalipas nang sibakin ng Oklahoma City ang Denver Nuggets sa Game 7 ng kanilang conference semifinals.
Isang linggo naman nagpahinga ang Minnesota matapos patalsikin ang Golden State Warriors sa Game 5 ng kanilang serye.
Isinara ng Timberwolves ang first half sa 48-44 tampok ang 20 points ni Randle kasama ang limang three-pointers.
May 11 markers naman si Gilgeous-Alexander sa panig ng Thunder mula sa 2-of-13 shooting.
- Latest