^

PM Sports

Sotto inaabangan na ang pagbabalik

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaabangan na ang pagbabalik-aksyon ni Kai Sotto lalo pa’t sasalang ang Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Nobyembre.

Gaya ng mga nakalipas na laro, malaki ang ambag ni Sotto sa Gilas Pilipinas na nagnanais makahirit ng tiket sa FIBA World Cup proper sa 2027 na gaganapin sa Doha, Qatar.

Sasalang ang Gilas Pilipinas sa ilang windows ng qualifying tournament kung saan mabigat ang magiging laban nito lalo pa’t grupo ng Pilipinas ang powerhouse teams gaya ng Australia at New Zealand.

Subalit mataas ang kumpiyansa ni Gilas Pili­pinas head coach Tim Cone sa laban ng kanyang bataan partikular na kung makababalik sa aksyon si Sotto para sa FIBA World Cup qualifiers.

Wala pang eksaktong petsa kung kailan makapag-lalarong muli ang 7-foot-3 Pinoy cager matapos sumailalim sa operasyon dahil sa ACL injury.

Mabilis ang recovery ni Sotto dahil bata pa ito.

Kaya naman posibleng makapaglaro na ito sa first window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na magsisimula sa Nobyembre.

Hihintayin lamang ang clearance mula sa mga doktok na nagbabantay kay Sotto para mabigyan ito ng go signal na muling makatungtong sa court.

Malaki ang ambag ni Sotto sa Gilas Pilipinas.

Kabilang na rito ang matikas na panalo ng Pinoy squad sa mga malalakas na teams.

Isa na ang 89-80 pananaig ng Gilas Pilipinas sa world No. 6 Latvia sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na ginanap sa Riga, Latvia noong 2024.

Nanalo rin ang Gilas Pilipinas kontra sa New Zealand sa pamamagitan ng 93-89 desisyon.

Kaya naman nananati­ling optimistiko si Cone na kayang-kayang makipagsabayan ng Gilas Pilipinas sa mga world-class teams.

“We’ve proven that. We’ve played the No. 6 team in the world in their house and beat them. With Kai we can beat anybody,” ani Cone sa isang ulat.

Napaulat pa na inaasa­hang makababalik na sa paglalaro si Sotto sa Oktubre ngunit ayaw ni Cone na madaliin ito upang masiguro na nasa perpektong kundisyon ito bago muling maglaro.

KAI SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with