^

PM Sports

SMB puntirya ang Top 4 sa PBA PH Cup

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Simula na ng pagratsada ng San Miguel para sa hangad na top four spot sa quarterfinals ng Season 49 PBA Philippine Cup.

Itinagay ng Beermen ang ikalawang sunod na panalo para itaas ang kanilang baraha sa 5-2 at patibayin ang tsansa sa ‘twice-to-beat’ incentive sa eight-team quarterfinal cast.

“Every game we’re treating it as a playoffs na, for us to get into the next level … we’re not yet there, but our goal is to make it to the top four,” sabi ni SMB coach Leo Austria matapos ang kanilang 128-89 paglampaso sa sibak nang Terrafirma noong Linggo.

Pitong players ang umiskor ng double figures sa nasabing panalo ng Beermen sa Dyip sa pangunguna ng tig-17 points nina CJ Perez at Mo Tautua habang nagtala si Rodney Brondial ng 16 points at career-high 22 rebounds.

Nangunguna pa rin ang Magnolia bitbit ang 6-1 record kasunod ang NLEX (5-1), San Miguel (5-2), Barangay Ginebra  (4-4),   TNT Tropang 5G (3-3),  nagdedepensang Meralco (3-5), Phoenix (2-5), Blackwater (1-4), NorthPort (1-5) at Terrafirma (1-6).

“They never mind who’s leading; what I told them is to keep on playing, and just keep on executing on offense and defense. It’s a habit for us,” ani Austria sa kanyang tropa.

Nauna nang nilasing ng Beermen ang Phoenix Fuel Masters, 111-92, bago winasak ang Dyip para sa kanilang back-to-back wins.

Target ng San Miguel ang kanilang ikatlong sunod na arangkada sa pakikipagtuos sa Blackwater sa Mayo 25 sa Philsports Arena sa Pasig City.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with