^

PM Sports

Beermen puro na sa quarterfinals

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Beermen puro na sa quarterfinals
Tinirahan ni SMB center June Mar Fajardo sina Louie Sangalang at Keith Zaldivar ng Terrafirma.
PBA Image

MANILA, Philippines — Pinayuko ng San Mi­guel Beer ang Terrafirma, 128-89, para masolo ang tersera pwesto sa 2025 PBA Philippine Cup kaha­pon sa Ynares Sports Center sa Montalban, Rizal.

Pitong players ang nag-akbay sa balanseng atake ng Beermen tungo sa bigating 39-point win kontra sa kulelat na Dyip para sa ikalawang sunod na panalo nito.

Umariba sa 5-2 kartada ang Beermen upang kumawala sa sibling rival na Barangay Ginebra (4-2) at manatiling nakabuntot sa mga lider na Magnolia (6-0) at NLEX (5-1).

Tanging Top 4 teams ang makakasikwat ng twice-to-beat advantage sa 8-team playoffs ng All-Filipino tourney para sa huling torneo ng PBA Season 49 pagkatapos ng Governors’ Cup at Commissioner’s Cup.

Kumamada ng tig-17 puntos sina CJ Perez at Mo Tautuaa habang may 16 at 13 puntos sina Rodney Brondial at Juami Tiongson, ayon sa pagkakasunod.

Tumabo naman ng 12 puntos at 12 rebounds na double-double si June Mar Fajardo habang may 12 at 11 puntos din sina Don Trollano at Jericho Cruz, ayon sa pagkakasunod.

Nakatulong din ang tig-8 puntos nina Jeron Teng at JM Calma habang may 7 puntos din si Kris Rosales para sa mga bataan ni coach Leo Austria na gigil makabawi ngayong torneo matapos maging runner-up sa reigning champion na Meralco noong nakaraang season.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with