^

PM Sports

Deanna Wong wagi ng Fan Favorite award

Chris Co - Pang-masa
Deanna Wong wagi ng Fan Favorite award
Choco Mucho setter Deanna Wong
PVL image

MANILA, Philippines — Tunay na humahatak ng fans si Choco Mucho setter Deanna Wong sa tuwing sumasabak ito sa mga laro ng Flying Titans sa Premier Volleyball League.

Kaliwa’t kanan ang nagpapakuha ng picture sa dating Ateneo standout dahil isa siya sa pinaka-po­pular na volleyball player sa bansa na may libu-libong fans hindi lamang sa Pilipinas maging sa ibang bansa.

At hindi na sorpresa na makuha nito ang Fan Favorite award sa kauna-unahang Pilipinas Live PVL Press Corps Awards Night na gaganapin sa Mayo 28 sa Novotel sa Quezon City.

Nakalikom si Wong ng 24,000 reactions sa PVL Press Corps Facebook page — malayo sa mga kapwa nitong kandidato para sa award.

Tinalo ni Wong sa botohan si Jema Galanza (12,000), Alyssa Valdez (10,000) at Bea De Leon (6,400).

Isa si Wong sa may pina­kamaraming followers sa social media kung saan mayroon itong 866,000 followers sa Facebook, 1.4 million followers sa Instagram at 2.4 million followers sa TikTok.

Pinagbotohan din ang Pilipinas Live Game of the Year kung saan nanalo ang bakbakan ng PLDT at Choco Mucho sa PVL All-Filipino Conference quarterfinals Game 2.

Tinalo nito ang laban ng Creamline at Cignal sa 2024 PVL Invitational Conference Final (1,200) gayundin ang bakbakan ng Petro Gazz at Cool Sma­shers sa 2024-25 AFC Finals Game 3, at ang pasabog ni Russian Marina Tushova na 50-point sho­wing sa laro ng Capital1 at HD Spikers sa 2024 Reinforced Conference.

DEANNA WONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with