Lady Cardinals sinelyuhan ang No. 3 spot

MANILA, Philippines — Nasilayan ang tikas ni Freighanne Seanelle Garcia nang akbayan nito ang Mapua University sa panalo kontra Jose Rizal University, 25-17, 25-20, 25-22 sa NCAA Season 100 women’s volleyball tournament na nilaro sa Emilio Aguinaldo College Gym hapon.
Kumana si Garcia ng 16 points mula sa 15 attacks at isang service ace para ilista ang 10-5 karta para sa Lady Cardinals na nakopo ang solo third place sa team standings.
Bukod sa magic four, lumakas din ang tsansa ng Intramuros-based squad sa twice-to-beat incentives na ibibigay sa top two teams pagkatapos ng 10-team double round robin eliminations.a
Ito’y dahil nakalapit ng bahagya ang Lady Cardinals sa Letran na solo sa tuktok tangan ang 13-2 record at sa No. 2 na defending champion College of Saint Benilde na nanaig sa San Beda Universtity, 25-17,25-19, 25-18 sa unang laro.
Makakalaban ng Mapua sa susunod nilang laro sa Martes ang San Sebastian College-Recoletos.
Nalasap naman ng JRU ang pang 14 na kabiguan sa 15 salang kaya wala na silang pag-asa na makausad sa susunod na phase.
Samantala, humataw si Zamantha Nolasco ng 14 points, 13 attacks, isang block para tulungan ang Taft-based squad na ilista ang 12-2 karta para sa ikalawang puwesto.
- Latest