^

PM Sports

Celtics buhay pa

Pang-masa
Celtics buhay pa
Naglambitin sa ring si Al Horford ng Celtics matapos ang kanyang dakdak laban sa Knicks sa Game 5.

BOSTON — Bumanat si Derrick White ng 34 points, tampok dito ang pitong three-pointers, para gabayan ang nagdedepensang Celtics sa 127-102 panalo sa Game 5 para makaiwas sa pagkakasibak sa New York Knicks sa kanilang Eastern Confe­rence semifinals series.

Nagsalpak ang Boston ng 22 triples para sa kanilang unang home victory at idikit sa 2-3 ang kanilang duwelo ng New York bagama’t hindi nag­laro si Jayson Tatum na nakalasap ng season-ending Achilles tendon injury.

Muling susubukan ng New York na tapusin ang kanilang serye ng Boston sa pamamahala nila sa Game 6 bukas.

Nag-ambag si Jaylen Brown ng 26 points at 12 assists para sa Celtics na hangad maging ika-14 team sa NBA history na nakabalik mula sa isang 1-3 deficit.

Pinamunuan ni Josh Hart ang Knicks sa kanyang 24 points.

Sa Minneapolis, umiskor si Julius Randle ng 29 points sa 121-110 pagsibak ng Minnesota Timberwolves sa Golden State Warriors sa Game 5 ng kanilang Western Confe­rence semis showdown.

Tumipa si Anthony Edwards ng 22 points at 12 assists sa 4-1 pagtapos ng Timberwolves sa kanilang giyera ng Warriors papasok sa conference finals katapat ang mananalo sa semis series ng Denver Nuggets at Oklahoma City Thunder.

NBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with