3-2 lead inagaw ng Thunder sa Nuggets

OKLAHOMA CITY — Bumira si Shai Gilgeous-Alexander ng 31 points para pamunuan ang Thunder sa 112-105 pagdaig sa Denver Nuggets sa Game 5 at agawin ang 3-2 lead sa kanilang Western Conference semifinal series.
Nalampasan ng Oklahoma City ang 44 points at 15 rebounds na kinamada ni Nikola Jokic para sa Denver.
Maaari nang tapusin ng Thunder ang kanilang duwelo ng Nuggets sa Game 6 bukas.
“What the great players do is they rise in the face of those challenges and adversities,” ani OKC coach Mark Daigneault kay Gilgeous-Alexander. “And I just thought he got more and more composed as the game went on.”
Umiskor si Jamal Murray ng 13 sa kanyang 28 points sa third period para tulungan ang Denver na maitala ang 86-78 abante papasok sa fourth quarter.
Ang fadeaway 3-pointer ni Jokic ang nagtabla sa Nuggets sa 103-103 kasunod ang magkasunod na triple nina Jalen Williams at Gilgeous-Alexander para sa 109-103 bentahe ng Thunder sa huling 48 segundo.
Sa Cleveland, nagpasabog si Tyrese Haliburton ng 31 points sa 114-105 pagsibak ng Indiana Pacers sa Cavaliers sa Game 5 at isara ang kanilang Eastern Conference semifinals showdown sa 4-1.
Nag-ambag si Pascal Siakam ng 21 markers para sa pagpasok ng Pacers sa ikalawang sunod na conference finals kung saan nila lalabanan ang mananalo sa semis duel ng nagdedepensang Boston Celtics at New York Knicks.
Angat ang Knicks sa Celtics sa 3-1.
- Latest