^

PM Sports

Gilas mapapalaban sa FIBA WCQ

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Daraan sa butas ng karayom ang Gilas Pilipinas sa Asian qualifying tournament para sa 2027 edisyon ng FIBA World Cup na gaganapin sa Doha, Qatar.

Base sa FIBA drawing of lots na ginanap sa Doha, Qatar, pasok sa Group A ang Gilas Pilipinas kasama ang Oceania powerhouse teams na Australia at New Zealand.

Nasa grupo ang Guam.

Aarangkada ang first window sa Nobyembre 28 hanggang Disyembre 1.

Unang makakasagupa ng Gilas Pilipinas ang New Zealand sa Nobyembre 28 at sa Disyembre 1 sa pamamagitan ng home-and-away format.

Magpapatuloy ang qualifiers sa Pebrero 26 kung saan makakaharap naman ng Gilas Pilipinas ang Guam kasunod ang Australia sa Marso 1.

Lalarga naman ang final window sa Hulyo 3 hanggang 6 sa 2026 kung saan muling makakalaban ng Gilas ang Guam sa Hulyo 3 at ang Australia sa Hulyo 6.

Ang tatlong mangu­ngunang koponan ang uusad sa second round ng qualifying tournament.

Nasa Group B naman ang China, Japan, Korea at Chinese Taipei habang Group C ang three-time FIBA Asia Cup champion Iran, Iraq, Syria at Jordan.

Hahataw naman sa Group D ang Saudi Arabia, Lebanon, India at 2027 FIBA World Cup host Qatar.

Target ng Gilas Pilipinas na malampasan ang 24th place finish nito noong 2023 edisyon kung saan ginanap sa Pilipinas ang ilan sa group stage games at ang final round ng FIBA World Cup.

Hangad din ng Gilas Pilipinas na maipagpatuloy ang appearance nito sa FIBA World Cup.

Subalit daraan muna sa matinding pagsubok ang Gilas bago makahirit ng tiket sa World Cup proper.

Kaya naman inaasa­hang ikinakasa na ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone ang game plan nito para sa qualifiers.

FIBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with