^

PM Sports

Isa na lang sa Timberwolves

Pang-masa
Isa na lang sa Timberwolves
Ang two-handed dunk ni Julius Randle ng Timberwolves laban sa Warriors sa Game 4.

SAN FRANCISCO — Nagbagsak si Anthony Edwards ng 30 points sa kanyang ikalawang sunod na 30-point performance at may 31 markers si Julius Randle sa 117-110 panalo ng Minnesota Timberwolves sa Golden State Warriors sa Game 4 para sa 3-1 lead sa kanilang Western Conference semifinals series.

May pagkakataon ang Timberwolves, nakahugot kay Jaden McDaniels ng 10 points at 13 rebounds, na sibakin ang Warriors sa Game 5 na gagawin sa Minneapolis bukas papasok sa conference finals.

Muling naglaro ang Golden State na wala si Stephen Curry (strained left hamstring).

Ang magkasunod na three-point shot ni Edwards ang nagpainit sa 17-0 atake ng Minnesota para sa kanilang 85-68 abante sa third period.

Pinalobo ito ng Timberwolves sa 97-77 papasok sa fourth quarter na hindi na napababa ng Warriors.

Umiskor si Jonathan Kuminga ng 23 points kasama ang 11-of-12 shooting sa free throw line para sa Golden State na nakakuha kina Jimmy Butler at Draymond Green ng tig-14 points habang may 13 points si Buddy Hield.

Sa New York, tumipa si Jalen Brunson ng 39 points at 12 assists para igiya ang Knicks sa 121-113 paggupo sa nagdedepensang Boston Celtics sa Game 4 at kunin ang 3-1 abante sa kanilang E­astern Conference semifinals showdown.

Nag-ambag sina Mikal Bridges at Karl-Anthony Towns ng tig-23 points at may 20 markers si OG Anunoby.

Isang panalo na lang ang kailangan ng New York para sa kanilang u­nang conference finals sa nakaraang 25 taon.

Nagkaroon si Jayson Tatum ng right leg injury sa huling 2:58 minuto ng fourth quarter at isinakay sa wheelchair papunta sa ospital.

NBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with