Suarez aagawin ang korona ni Navarrete
MANILA, Philippines — Dumating na ang pinakahihintay na pagkakataon ni Charly Suarez.
Nakatakdang hamunin ni Suarez si Mexican champion Emanuel “Vaquero” Navarrete para sa suot nitong WBO junior lightweight crown ngayon sa Pechanga Arena sa San Diego, California.
“Ipinagdasal ko itong laban na ito. At nandito na nga. Ito na ang pagkakataon ko at hindi tayo matatalo,” deklarasyon ng 36-anyos na si Suarez, may 18-0-0 win-loss-draw ring record kasama ang 10 knockouts.
Hangad ni Suarez na maging ikatlong Pinoy world boxing champion matapos sina Melvin Jerusalem (WBC minimumweight) at Pedro Taduran (IBF minimumweight).
Idedepensa ng 30-anyos na si Navarrete, may 39-2-1 (32 KOs) card, ang kanyang bitbit na WBO belt sa ikaapat na sunod na pagkakataon na kanyang nakamit matapos ang ninth-round technical knockout win kay Liam Wilson noong Pebrero 3, 2023.
Sa official weigh-in kahapon ay tumimbang si Saurez ng 129.9 lbs habang nasukatan si Navarrete ng 130 lbs.
- Latest