^

PM Sports

Blackwater giba sa Rain or Shine

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Blackwater giba sa Rain or Shine
Pumuwersa si Jhonard Clarito ng Rain or Shine laban kay BJ Andrade ng Blackwater.
PBA Image

MANILA, Philippines — Bumulusok sa second half ang Rain or Shine upang daigin ang palabang Blackwater, 120-106, para sa bounce back win nito sa 2025 PBA Philippine Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila.

Naiwan pa sa hanggang 9 na puntos ang Elasto Painters sa high-scoring second quarter bago bumomba sa second half tungo sa ikatlong panalo nito papasok sa kalagitnaang bahagi ng 12-team eliminations.

Angat sa 3-2 kartada ang RoS na kagagaling lang sa 107-97 kabiguan kontra sa Converge para maputol ang dalawang sunod na panalo.

Nagbuslo ng 27 puntos sa 3 tres si Keith Datu sahog pa ang 8 rebounds, 3 assists at 2 tapal para trangkuhan ang kalat na opensa ng Elasto Painters.

Umalalay sa kanya si Adrian Nocum na may 23 puntos at 4 rebounds habang may 14 puntos din na ambag si Caelan Tiongson.

Solido rin ang kontribusyon na tig-11 puntos nina Gian Mamuyac at Andrei Caracut para sa koponan ni coach Yeng Guiao.

Paborito sa duwelo ang RoS kontra sa kulelat na Blackwater subalit nahirapan pa sa first half dahil sa pagbabalik ng ace players na sina Christian David at Sedrick Barefield na halos hindi maawat ng RoS.

Nauwi sa mabilis na palitan ng puntos ang first half tampok pa ang 64-55 bentahe para sa Bossing matapos ang lay-up ni RK Ilagan bago magkasya sa 68-60 abante sa halftime.

Subalit doon na nagpasiklab ang Elasto Painters nang hindi papormahin sa buong second half ang Bossing, 60-38, tungo sa kumbinsidong 14 puntos na panalo.

Kumamada ng 28 at 23 puntos sina David at Barefiled, ayon sa pagkakasunod habang may 16 si Ilagan para sa Blackwater na nalasap ang ikalawang sunod na pagkatalo para sa 1-4 kartada. 

RAIN OR SHINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with