^

PM Sports

Elasto Painters bagsak sa FiberXers

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Elasto Painters bagsak sa FiberXers
Ang tirada ni Converge guard Schonny Winston kontra sa Rain or Shine.
PBA Image

MANILA, Philippines — Kumawala ang Converge sa fourth quarter upang daigin ang Rain or Shine, 107-97, para sa ikatlong sunod na panalo nito sa 2025 PBA Phi­lippine Cup kahapon sa PhilSports Arena sa Pasig.

Balanseng atake ang ipinamalas ng Fiber­Xers sa pangunguna nina Alec Stockton at Schonny Wins­ton para makatalon sa 4-2 kartada sa likod lang ng unbeaten na Magnolia (4-0) at San Miguel Beer (3-1).

Tumikada ng tig-24 puntos sina Stockton at Winston para sa Converge na isinama ang RoS sa bagong listahan nito matapos unang kaldagin ang Blackwater, 111-80, at Talk ‘N Text, 100-94.

Kung sa opensa namuno ang pambatong backcourt, sina twin towers Justin Ara­na at Justine Baltazar naman ang nagpahirap sa pilay at mas maliit na Elasto Pain­ters.

Humakot ng 18 puntos at 17 rebounds si Arana sahog pa ang 6 assists at 3 steals habang sumikwat ng career-high na 22 rebounds si Baltazar kasama ang 13 puntos, 3 assists, 1 steal at 3 tapal.

May pinagsamang 11 offensive rebounds ang 2 higante para sa kabuuang 20 ng mga bataan ni coach Franco Atienza kumpara sa 11 lang ng Elasto Pain­ters na nagresulta sa 11 second chance points at 56 puntos sa ilalim.

Ito ang ininda ng RoS sa buong laro kahit nakauna pa sa hanggang 7 puntos sa first half.

Hindi rin nakatulong ang patuloy na kawalan nina Beau Belga, Caelan Tiongson at Shaun Ildefonso kahit pa nagbalik-aksyon si Keith Datu para sa kulang-kulang na tropa ni coach Yeng Guiao.

Muling nagpasiklab sa 26 puntos si Santi Santillan habang may 25 puntos si Gian Mamuyac subalit kulang pa rin tungo sa pagkawakas ng 2 sunod na panalo ng Elasto Painters para sa 2-2 kartada.

May kontribusyong ding tig-11 puntos sina Adrian Nocum at Datu para sa RoS na unang tumaob sa NLEX, 109-95, bago tambakan ang NorthPort, 113-96, at reigning All-Filipino champion na Meralco, 128-116.

 

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with