^

PM Sports

Lady Chiefs inupuan ang No. 3 spot

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Puwesto sa No. 3 sa team standings ang Arellano University matapos nilang kalusin ang San Beda University, 27-29, 25-16, 25-17, 25-21 sa NCAA Season 100 wo­men’s volleyball tournament na nilaro sa FilOil-EcoOil Arena sa San Juan kahapon.

Nahirang na Best Pla_yer of the Game si Kristine Claire Adante matapos nitong ilista ang anim na puntos lahat galing sa attacks at 17 excellent sets, natulungan nito ang Lady Chiefs na ilista ang 8-4 karta.

Lumalakas ang tsansa ng Arellano na pumalo ng bola sa semifinals at ang twice-to-beat incentive ay puwede pa nilang masikwat.

Magkakaroon ng twice-to-beat advantage ang top two teams pagkatapos ng 10-team double round robin eliminations at dahil may anim na laro pa ang Lady Chiefs ay posibleng masungkit ang isang bonus.

Nasa tuktok ng team standings ang Letran na may 10-2 baraha habang hawak ng defending champion College of Saint Benilde ang No. 2 kasama ang 9-2 baraha.

Solo sa pang-apat ang University of Perpetual Help System Dalta pasan ang 7-4 record.

Nalasap naman ng Lady Red Spikers ang pang-11 talo sa 12 laro.

Samantala, inakbayan ni Katherine Santos ang San Sebastian College-Recoletos matapos magliyab ito sa opensa at kalusin ang Jose Rizal University, 25-23, 25-23, 22-25, 23-25, 16-14 sa unang laro.  

LADY CHIEFS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with