Warriors lumapit sa West semis

SAN FRANCISCO — Nagsalpak si Jimmy Butler ng tatlong free throws sa huling 58.7 segundo at hinablot ang game-clinching rebound sa natitirang apat na segundo sa 109-106 pagtakas ng Golden State Warriors sa Houston Rockets sa Game Four at kunin ang 3-1 lead sa kanilang Western Conference first-round playoff series.
Kumonekta pa si Butler ng dalawang free throws para tumapos na may 27 points sa kanyang pagbabalik mula sa isang pelvic injury sa paglapit ng Warriors sa semifinals.
Mintis ang ibinatong three-point attempt ni Fred VanVleet para sa Rockets sa pagtunog ng final buzzer.
Umiskor si Brandin Podziemski ng 26 points para sa Golden State habang may 17 at 15 markers sina Stephen Curry at Buddy Hield, ayon sa pagkakasunod.
Humakot si Alperen Sengun ng 31 points at 10 rebounds at may 25 markers si VanVleet sa panig ng Houston.
Ang triple ni VanVleet ang nagtabla sa Rockets sa 106-106 sa huling 1:20 minuto ng fourth quarter kasunod ang pagbibida ni Butler.
Sa Miami, kumamada si Donovan Mitchell ng 22 points at may 19 markers si De’Andre Hunter sa 138-83 pagmasaker ng Cleveland Cavaliers sa Heat sa Game Four at walisin ang kanilang Eastern Conference first-round series sa 4-0.
Nag-ambag si Ty Jerome ng 18 points habang may 17 markers si Evan Mobley at nagkadena si Jarrett Allen ng 14 points, 12 rebounds at 6 steals sa pagpasok ng Cleveland sa semifinals.
Naglaro ang Cavaliers na wala si All-Star point guard Darius Garland sa ikalawang sunod na pagkakataon dahil sa kanyang sprained toe, ngunit may anim na players namang umiskor ng double figures.
- Latest