^

PM Sports

Gin Kings reresbak sa Batang Pier

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mabilis na bawi ang tangka ng Barangay Ginebra ngayon tampok ang kaunting pagbabago sa roster kontra sa NorthPort sa 2025 PBA Philippine Cup ngayon sa PhilSports Arena sa Pasig.

Sa pambihirang deve­lopment ay ibinaba ng Gin Kings (1-1) ang bete­ranong guwardiya na si LA Tenorio sa unrestricted free agent list papasok sa duwelo kontra sa Batang Pier (1-2) sa alas-7:30 ng gabi pagkatapos ng laban ng Converge (3-2) at Rain or Shine (2-1) sa alas-5 ng hapon.

Kapalit ni Tenorio sa active roster ang nagbabalik na si Jayson David mula sa injury.

Taliwas naman sa akala na aalis na si Tenorio sa koponan ay paraan lamang ito upang mailaan niya ang buong atensyon sa Gilas Pilipinas youth, ayon kay Tim Cone.

Nakatakdang bumalik si Tenorio sa active roster ng Gin Kings pagkatapos ng FIBA U16 Asia Cup SEABA Qualifiers, kung saan siya sasalang sa u­nang torneo bilang bagong head coach ng Gilas youth.

Nakakasa ang SEABA Qualifiers sa Pampanga sa Mayo 24 hanggang 30.

Simula 2012 pa nag­lalaro sa Ginebra ang 40-anyos na si Tenorio subalit nagkaroon ng limitadong playing time ngayong season bilang mentor nalang ng mas bagitong backcourt ng Ginebra sa pangunguna ng No. 3 rookie pick na si RJ Abarrientos.

Halos assistant coach na ang role ni Tenorio sa Gin Kings bago malagay ngayon sa free agency na wala namang pag-alala kay Cone lalo’t nasa koponan ang kanyang katapatan.

Matatandaang noong 2018 ay ganito rin ang ginawa ng Ginebra kay Joe Devance na hindi naman pumirma sa ibang koponan at nanatili sa Ginebra kalaunan.

Kagagaling lang ng Gin Kings sa 104-93 kabiguan kontra sa San Miguel para sa 1-1 kartada matapos ang 101-80 debut win kontra sa Terrafirma.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with