Nakhon sibak sa Zhetysu
MANILA, Philippines — Inangkin ng Zhetysu ng Kazakhstan ang unang finals berth sa 2025 AVC Women’s Volleyball Champions Cup matapos gibain ang Nakhon Ratchasima QminC ng Thailand, 25-20, 25-21, 25-21, kahapon sa PhilSports Arena sa Pasig City.
Humataw si Karyna Denysova ng 14 points mula sa 14 attacks bukod sa siyam na excellent digs para ihatid ang Zhetysu sa championship round.
Kasalukuyan pang naglalaban sa isa pang semifinals match ang VTV Binh Dien Long An ng Vietnam at Baic Motor ng China habang isinusulat ito kagabi kung saan ang mananalo ang lalabanan ng mga Kazakhs sa finals.
- Latest