^

PM Sports

NorthPort tambak sa Blackwater

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasungkit ng Blackwater ang una nitong tagumpay matapos hambalusin ang NorthPort, 120-98, sa 2025 PBA Phi­lippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Anim na players ang umariba sa double digits para sa balanseng atake ng Bossing tungo sa 1-2 kartada matapos unang sumemplang sa Magnolia, 106-84, at Converge, 111-80.

Nanguna sa opensa ng Blackwater ang second rookie pick na si Sedrick Barefield tampok ang 5 tres tungo sa 20 puntos sahog pa ang 3 rebounds, 4 assists at 3 steals.

Umalalay sa kanya sina Christian David at RK Ilagan na may 19 at 17 puntos sa pinagsama ring 5 tres, ayon sa pagkakasunod.

Nag-ambag naman ng 15, 14 at 10 puntos sina Richard Escoto, BJ Andrade at Troy Mallilin, ayon sa pagkakasunod pati na sina Mike Ayonayon at Bradwyn Guinto na may kontribusyong 9 at 7 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Mula sa dikit na 48-47 iskor sa halftime, bumulusok ang Bossing sa 40 puntos sa third quarter at 32 puntos sa fourth quarter upang pakainin ng ali­kabok ang Batang Pier.

Umabante pa sa hanggang 27 puntos, 104-77, ang mga bataan ni coach Jeff Cariaso tungo bigating sa panalo.

Nagbalik-aksyon ang ace player na si Arvin Tolentino mula sa hip injury subalit nagkasya lang sa 15 puntos.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with