Krusyal na panalo tangka ng Arellano
MANILA, Philippines — Ipaparada ng Arellano University si Laika Tudlasan para tapatan ang matitikas na manlalaro ng San Sebastian College-Recoletos sa NCAA Season 100 women’s volleyball tournament na lalaruin sa FilOil Arena sa San Juan, ngayong araw.
Alas-12 ng tanghali ang simula ng hatawan ng bola sa pagitan ng AU at SSC-R, sunod ang banatan ng Lyceum at JRU sa alas-2:30 ng hapon.
Tangan ang 6-3 record at naka-puwesto sa fifth place, makakausad sa magic four ang Lady Chiefs kung sakaling masikwat ang panalo sa Lady Stags na nasa sixth hawak ang 5-4 card.
- Latest