^

PM Sports

TNT Tropang 5G kinalawang sa NLEX

John Bryan Ulanday - Pang-masa
TNT Tropang 5G kinalawang sa NLEX
Nalusutan ni Matt Nieto ng NLEX si Simon Enciso ng TNT Tropang 5G.
PBA Image

MANILA, Philippines — Sinagasaan ng NLEX ang TNT Tropang 5G, 91-74, para sa ikalawang sunod nitong tagumpay sa 2025 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Sumakay sa 26-16 ratsada ang Road Warriors sa second quarter at hindi na pinaporma pa ang Tropang 5G buhat noon upang diskarilin ang unang salang nito mula sa paghahari sa Comissioner’s Cup noong nakaraang buwan.

Balanseng atake ang ipinamalas ng mga bataan ni coach Jong Uichico sa pamumuno ng 13 puntos at 12 rebounds na double-double ni JB Bahio tampok pa ang 4 na assists sa 22 minutong aksyon lang.

Tig-13 puntos din ang ambag nina Robert Bolick at Xyrus Torres habang may 11 puntos din si Javee Mocon para sa Road Warriors na umarangkada ulit matapos ang 109-95 pa­nalo kontra sa Rain or Shine bago ang PBA break para sa Semana Santa.

Maging sina Enoch Valdez at Brandon Ramirez ay solido ang kontribusyon para sa NLEX na may tig-10 puntos.

Pitpitan pa ang duwelo sa first quarter nang makaabante lang ng bahagya ang Road Warriors, 21-19, bago pumiglas sa pangunguna ni Bahio upang makapagtayo ng 47-35 abante sa halftime.

Pinalobo pa ito ng NLEX sa 22 puntos, 91-69, tungo sa malaking silat kontra sa TNT na sablay ang simula ng tangkang Grand Slam ngayong conference matapos manalo sa import-laden na Governors’ Cup at Comm’s Cup.

Hanggang sa 7 puntos lang nakalapit ang TNT sa third quarter subalit naa­pula agad ni Bolick ang tangka nilang balikwas.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with