^

PM Sports

Lady Generals may pag-asa pa sa semis

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Malakas pa ang pag-asa ng Emilio Aguinaldo College sa asam na semifinals matapos silang akbayan ni veteran spiker Alessandra Razonable sa 25-18, 25-15, 25-15 panalo kontra pinapaborang Mapua University sa NCAA Season 100 women’s volleyball tournament na nilaro sa FilOil Arena sa San Juan, kahapon.

Nahirang na Best Pla­yer of the Game, nilista ni Razonable ang 15 points mula sa 13 attacks at dalawang blocks upang tulu­ngan ang Lady Generals na ilista ang 3-7 karta.

Ginulat ng Lady Ge­nerals ang Lady Cardinals matapos ang three sets win at maging si Razonable ay hindi inaakala na ganun kadali ang kanilang panalo.

“Ang thinking po namin, kahit sino po kalaban iniisip namin na pare-pareho po kaming nage-ensayo pinaghahandaan namin ang bawat laban, mas nagpursige po kami kaya nakuha namin yung goal ngayon,” ani Razonable.

Samantala, nadugtu­ngan ang tsansa ng Lyceum of the Philippines University matapos nilang silatin sa limang sets ang University of Perpetual Help System Dalta, 21-25, 25-21, 29-31, 25-14, 15-12 sa ikalawang laro.

NCAA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with