Magic inangkin ang No. 7 spot sa East

ORLANDO, Fla. — Naglista si point guard Cole Anthony ng 26 points at 6 assists para tulungan ang Magic sa 120-95 pagpapabagsak sa Atlanta Hawks sa pagsisimula ng Play-In Tournament.
Humakot si star forward Paolo Banchero ng 17 points, 9 rebounds at 7 assists para sa Orlando.
Dahil sa pagkopo sa No. 7 seed sa Eastern Conference ay lalabanan ng Magic ang No. 2 at nagdedepensang Boston Celtics sa first-round playoff series.
Binanderahan ni guard Trae Young ang Hawks sa kanyang 28 points at 6 assists bago matawagan ng kanyang ikalawang technical foul para sa automatic ejection sa 4:47 minuto sa fourth quiarter.
Lalabanan ng Atlanta para sa No. 8 spot ang mananalo sa Chicago Bulls at Miami Heat.
Sa San Francisco, kumolekta si Jimmy Butler ng 38 points, 7 rebounds at 6 assists, habang may 37 markers si Stephen Curry sa 121-116 pagdaig ng Golden State Warriors sa Memphis Grizzlies.
Inangkin ng Warriors ang No. 7 seed sa Western Conference at haharapin ang No. 2 Houston Rockets sa first-round playoffs.
Bumira si Desmond Bane ng 30 points para sa Grizzlies na haharapin ang mananaig sa upakan ng Sacramento Kings at Dallas Mavericks para sa eighth playoff spot.
- Latest