^

PM Sports

Lady Stags sumosyo sa No. 4

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sumosyo sa No. 4 spot ang San Sebastian College-Recoletos matapos ang 21-25, 25-23, 25-17, 18-25, 15-13 panalo sa San Beda University sa NCAA Season 100 women’s volleyball tournament kahapon sa Jose Rizal University Gym sa Mandaluyong City.

Kumana si Juna May Gon­zales ng 20 points mu­la sa 17 attacks, dalawang service ace at isang block para sa Lady Stags.

Bumakas si Christina Ma­rasigan ng 17 mar­kers, habang 13 points ang ambag ni Kristine Joy Dio­nisio para sa kanilang 4-2 record katabla ang Mapua Lady Cardinals.

Lamang ng dalawang puntos ang Lady Red Spi­kers, 11-9, sa deciding fifth set at lumapit sa pagsilo ng panalo nang makaungos pa rin sa bandang dulo, 13-12.

Pero umiskor ang Bas­te ng tatlong sunod na pun­tos upang payukuin ang San Beda at ibaon sa 0-6 karta.

Inirehistro ni Reyann Canete ang 26 points mula sa 20 kills, apat na service aces at dalawang blocks pe­ro kinapos pa rin para itaguyod sa panalo ang Lady Red Spikers.

Samantala, dinungisan ng Arellano University ang malinis na karta ng Letran, 25-20, 22-25, 25-23, 25-20, sa unang laro sa likod nina Laika Tudlasan at Samantha Gabrielle Tiratira.

Umiskor si Tudlasan ng 19 points galing sa 18 kills at isang service ace para sa 3-3 marka ng Lady Chiefs.

Ito ang unang kabiguan ng Lady Knights matapos magposte ng malinis na 5-0 kartada katabla ang nagde­depensang St. Benilde Lady Blazers.

GYM

NCAA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with