McCollum isinalba ang Pelicans sa OT
NEW ORLEANS — Umiskor si CJ McCollum ng 37 sa kanyang 43 points sa saecond half kasama ang 11 markers sa overtime para igiya ang Pelicans sa 140-133 pagdaig sa Sacramento Kings.
Winakasan ng New Orleans (13-42) ang 10-game losing slump.
Nagdagdag sina Jose Alvarado at Trey Murphy III ng 18 points, habang may tig-16 markers sina reserves Jordan Hawkins at Jeremiah Robinson-Earl.
Kumolekta si Zach LaVine ng 32 points at 10 assists sa panig ng Sacramento (28-27) at nagposte si Domantas Sabonis ng 22 points at career high 28 rebounds.
May 24 markers si Malik Monk kasunod ang 20 points ni DeMar DeRozan para sa Kings na humirit ng overtime mula sa dalawang free throws ni Monk.
Sa Minneapolis, humakot si Naz Reid ng 27 points, 13 rebounds at 7 assists sa 116-101 paggupo ng Minnesota Timberwolves (31-25) sa Oklahoma City Thunder (44-10).
Sa Houston, nagbagsak si Stephen Curry ng 27 points tampok ang limang triples para ihatid ang Golden State Warriors (28-27) sa 105-98 panalo kontra sa Rockets (34-21).
- Latest