GSM players ‘di isasagad ni Cone
MANILA, Philippines — Mahalaga para sa Gilas Pilipinas ang mga friendly games at ang final window ng FIBA Qualifiers kahit swak na sila sa Asia Cup tournament proper.
Pero para kay coach Tim Cone hindi niya sasagarin si naturalized player Justin Brownlee at iba pang mga bataan nito sa Barangy Ginebra para paghandaan ang Final Four ng PBA Commissioner’s Cup.
“Brownlee is going to Doha and he is going to be playing all those games in between,” ani Cone. “That will be a way to keep him sharp but we’ve got to make sure that we don’t overuse him.”
Makakasama ni Brownlee sa kampanya ng Gilas sina Ginebra teammates Scottie Thompson, Troy Rosario, Japeth Aguilar at Jamie Malonzo.
Unang nilang sasabakan ang Taipei sa Pebrero 20 bago sa New Zealand sa Pebrero 23.
Pagkatapos ng nasabing dalawang laro mula sa FIBA window ay sasalang na ang mga alagad ni Cone sa Gin Kings sa PBA semifinals laban sa NorthPort Batang Pier.
Magsisimula ang PBA Commissioner’s Cup best-of-seven semifinals series sa Pebrero 26 sa Smart Araneta Coliseum.
Magtatapat ang TNT Tropang Giga at ang Rain or Shine sa isa pang semifinals pairing.
- Latest